Tuesday, May 3, 2016

Color Correction using Hue/Saturation Adjustment Layer




Ang Hue/Saturation Adjustment Layer ay isa sa  mabilis na paraan paano magpalit  ng kulay sa isang bagay na gusto mong i edit. 

Gamit ang quick selection or ang magic wand tool or depende sa area na gusto mong papalitan ng kulay, kung hindi kaya ng mga nasabing selection tools pwede mo gamitin ang iba't ibang selection tools as long as na ma select mo ng maayos ang portion na gustong mong babaguhin ang kulay.
So, halimbawa itong upuan, dahil madali lang i select kaya ginamit ko ang quick selection tool. 



So, pag na select mo na ang area kung saan gusto mong palitan, punta ka naman ngayon sa  adjustment layer mo.



Pag pinundot mo ang icon na yan ay makikita mo yung mga pag pipilian. Piliin mo ang Hue/Saturation layer.



Pag napili mo na ang Hue / Saturation layer ay makikita mo sa taas ng background layer mo ang isang layer mask. Ito yung selected area na makikita mo after mo ma pili ang Hue/Saturation adjustment layer.

Pag naka set up na rin ung workspace mo at nakalagay na Properties panel ay kusa na lalabas ito at pwede ka na mag simula na baguhin ang kulay ng selected area mo sa pamamagitan ng pag adjust ng bar sa hue or saturation pwede mo na ito paglaruan.



So, nag bago na ang kulay ng upuan from red to blue gamit ang pag adjust ng hue into -128.

Ganun lang kadali mag palit ng kulay gamit ang Hue / Saturation adjustment layer. Importante na isa alang alang ay ang pag select ng malinis sa area na gusto mong palitan para hindi halata kapag ito ay nabago na.

God bless !!!

No comments:

Post a Comment