Sa unang tingin mahirap gamitin ang Photoshop dahil sa dami ng features nito. Pero pag nakuha mo na ang mga basic nito ay madali na lng intindihin ang kabuoan ng Photoshop. Ganun pa man malawak ang mundo ng Photoshop pero sa pamamagitan ng mga basic functions ay mas madali na lng na maintindihan. At ang pinaka importante sa lahat ay ang Tiyaga, Pasensya at Determinasyon at tiwala kay God na matuto.
Well, isa na ako sa patotoo na walang imposible na matuto gamit ang mga susing ito (Tiyaga, Pasensya, Determinasyon at of course at importante sa lahat ay Tiwala kay God).
Wala po akong ka ide ideya sa computer nung nag simula akong mag aral ng Photoshop sa kagustuhan ko na matuto, umutang ako ng second hand computer at nag research sa internet at mga video tutorials, ang mahirap pa ay English ang gamit sa pagtuturo pero sa awa ng Panginoon nagawa kong matutunan ang kapirasong mundo ng Photoshop hehe..oh by the way, hindi po ako nag aral sa skul ng photoshop, sariling sikap lang po at gamit ang mga susi sa itaas para matutonan ko ang Photoshop.
Kaya naisipan kong gumawa ng blog at mga tagalog video tutorials para mas mapapadali ang pag aaral ng Photoshop ng mga kababayan ko na nahihirapan mag aral sa English, na kung saan ito ang karamihan na makikita natin sa mundo ng internet. Well, hindi po ako ganun kagaling sa Photoshop, natuto lang din po ng kunti at gusto ko lang din i share kung ano yung mga natutunan ko.
At sana magustuhan ninyo ito at maging inspirasyon din po kayo...mabuhay at God bless us all!!!
No comments:
Post a Comment