Tuesday, May 3, 2016

Color Correction using Hue/Saturation Adjustment Layer




Ang Hue/Saturation Adjustment Layer ay isa sa  mabilis na paraan paano magpalit  ng kulay sa isang bagay na gusto mong i edit. 

Gamit ang quick selection or ang magic wand tool or depende sa area na gusto mong papalitan ng kulay, kung hindi kaya ng mga nasabing selection tools pwede mo gamitin ang iba't ibang selection tools as long as na ma select mo ng maayos ang portion na gustong mong babaguhin ang kulay.
So, halimbawa itong upuan, dahil madali lang i select kaya ginamit ko ang quick selection tool. 



So, pag na select mo na ang area kung saan gusto mong palitan, punta ka naman ngayon sa  adjustment layer mo.



Pag pinundot mo ang icon na yan ay makikita mo yung mga pag pipilian. Piliin mo ang Hue/Saturation layer.



Pag napili mo na ang Hue / Saturation layer ay makikita mo sa taas ng background layer mo ang isang layer mask. Ito yung selected area na makikita mo after mo ma pili ang Hue/Saturation adjustment layer.

Pag naka set up na rin ung workspace mo at nakalagay na Properties panel ay kusa na lalabas ito at pwede ka na mag simula na baguhin ang kulay ng selected area mo sa pamamagitan ng pag adjust ng bar sa hue or saturation pwede mo na ito paglaruan.



So, nag bago na ang kulay ng upuan from red to blue gamit ang pag adjust ng hue into -128.

Ganun lang kadali mag palit ng kulay gamit ang Hue / Saturation adjustment layer. Importante na isa alang alang ay ang pag select ng malinis sa area na gusto mong palitan para hindi halata kapag ito ay nabago na.

God bless !!!

Thursday, April 28, 2016

My first practice pieces in Photoshop

Ito yung una kung gawa sa Photoshop simula nung natuto ako mag Photoshop. Ang totoo sa youtube ko lang ginaya kung paano ito gagawin kaya it takes time din bago ko naayos. Pinag aralan ko dito kung paano ang pag gawa ng crystal ball na may tao sa loob ang kung paano gawin ang mga shadows. At paano din ang pag lagay ng text at bigote jan sa bata hehe..So, kailangan lang talaga constant praktis para makabisado natin ang mga tools ng Photoshop, sa umpisa talaga medyo mahirap pero pag araw araw ka humaharap kay Photoshop madali na lang pala.






Ito naman na picture ay pinag aralan ko kung paano makagawa ng magandang Black & White  at paano mag palit ng background gamit ang mga selection tools ng Photoshop.



Ito naman yung sa trabaho ko sa Riyadh bilang Cad operator sa isang furniture company. Gusto kasi ng boss ko nang picture doon sa plano na ginawa niya, kaya sinubukan ko ang Photoshop. So natuwa ako at nakabuo ako ng ganito gamit ung plano na gawa ng autocad, kasi di pa ako marunong mag render noon tapos kailangan niya na kaagad, awa ng Panginoon na gustohan naman ni boss kahit na first time ko to ginawa at that time hehe. So, marami pa talagang kayang gawin si Photoshop kapag nag tiyaga lang talaga sa pag aaral.





Ito naman yung bored ako sa office at walang magawa kaya nag experiment ako just for fun kasi naging fan din ako ni naruto bago ako nag abroad hehe...